For starters, itong trip nato ay nagdulot sa pamamagitan ng sangkatutak na mga kamay na nagpinta ng mga kung ano-ano tapos lahat ng mga nabenta ay dadagdag sa aming budget (TY sa mga bumili). And through X-deals yata, ay nakuha namin ang quota. Lahat ng mga sasama, inayos at tinapos na lahat ng mga backlog nila that week. Come Friday, ang iniisip na lang namin ay board shorts, Brazilian, budget, at beer.
Ang una sa agenda ko? May makakasama ba ako pag natulog ako sa opis.
PREPARATION: (MAY 22 (7:30PM) to MAY 23 (7:00AM)

Taragis.
Pagpasok ko, nakaplanta na sa utak ko na matutulog ako sa opis kaya nagdala na ako ng mga gamit. Pero may kailangan pa akong bilhin sa Trinoma. Bumili ako ng isang set ng black na brief (a size smaller para bakat), isang red silicon protector para sa PSP ko (adik sa Patapon 2), at isang 1gig na memory card para sa digicam ng erpats ko to capture awesome moments.

So natapos ang film 1:30am. Dumating ako sa opis 2am. Nakarating si Cindy sa bahay niya around 2:30am. Pagdating ko sa opis nandon si Leo at ang mga tissue niyang puno ng sipon. Tinesting ko ang digicam ko habang nananakot ng iba pang taong nandoon sa floor namin noong mga oras na yon.

Pagkatapos magdasal, sinaksak ko sa tenga ko ang earphones ko kung saan nakikinig ako ng OPM tunes gamit ang PSP.
And then nakatulog ako.
STOPOVER: (MAY 23 (9:30 – 10:00AM))

As of this moment, smooth sailing ang travel.
NASIRAAN: (MAY 23 (11:00AM))
Si Cindy pala nitong mga oras nato ay nasa Novaliches at umaattend ng binyag. Afterwards, umattend siya ng libing.
Labo.
ARRIVAL: (MAY 23 (12:30PM))


Fact is, hindi sikip ang mga kwarto. At despite the fact na pinipilit nako nina Isko na sumama sa kanila, inisip ko na since apat lang kami sa kwarto (mukhang di naliligo mga kasama ko tapos absent pa yung isa), advantage sa akin yun na maghari!

Birthday din pala nun ni Leo (which explains my other blog) kaya nag-plot si Candy ng isang surprise gift. Nakapiring si Leo at for five minutes nakaupo lang siya sa isang upuan at naghihintay ng mangyayari. Pagkatapos naming isuot ang party hats na may picture niya… at pagkalabas ni Candy ng cake niya… kumanta kami ng birthday song.
It’s so cheesy.
Okay naman yung bogchi lalo na yung kaldereta. Matapos magpalipas ng busog, swimming time.
SWIMMING: (MAY 23 (1:30PM – 3:00PM))
…
Sinong linoko ko? Noong chineck-out ko ang pool, there it was, seeming too shallow. So I jumped (in a sitting position where my legs are inside the water… basta imaginin nyo yung tita niyong mataba na may rayuma na pupunta sa pool) and sprinted towards the other side of the pool. Ang malas sa akin is I can’t float face up so noong nalaman ko na nasa 6 feet na ako, there I was panicking. Luckily medyo malapit ako sa gilid at tumawid ako sa not-so-deep side ng pool, using my hands.
Anyway, naging stale ang conversation. Habang naghahanda sila sa kanilang wakeboarding trip, pumunta muna ako sa kwarto para mag-Patapon.
3 o’clock non. Nagising ako past 7.
PARTY: (MAY 23 (7PM) – MAY 24 (4AM))

Pagkababa namin, uminom kami ulit. Sa poolside may isang senglot na gustong magyosi sa gitna ng pool. Ang pangalan niya ay Rey. Anyway, pumunta kami sa side ng videoke at bilyaran kasi meron daw maikling program. May dalawang laro: isa mala-Eat Bulaga’s Pinoy Henyo at yung isa naman mataasan sa videoke.
Pareho akong sumali to represent our unit (actually napilit lang ako sa videoke part), at pareho akong olats sa events. Sa Pinoy Henyo, may tineyp na papel sa ulo ko. Dumaan ang dalawang minuto na hindi ko nahulaan na yun pala, “Job Order” ang sagot. Sa videoke, pinakanta kami ng Luha.
Para sa hindi alam kung ano ang luha… “Heto ako… basing-basa sa ulaaaaaaaan!”.
Yun yon.
.jpg)
.jpg)
Pagdating ko sa kwarto, tulog sina Topher, Leo, at Dudz. Kadiri pa nga tong si Leo e. Magkatabi kami tapos nasa side ko yung mga gamit na tissue na ginamit niya kasi may sipon siya. Nakapag-golf tuloy ako ng wala sa oras. Katabi ang salamin ko, PSP ko, at cellphone ko at natulog.
THE SCANDAL: (MAY 24 (9:53AM or 1:53PM))

DEPARTURE: (MAY 24 (10:30AM – 11:00AM))
Hindi na ako bumalik sa lecheng kwarto na yun at inakyat ko ang mga gamit ko sa kwarto nina Isko. Tamang chill lang sila doon, nanonood ng Cavs versus Magic. Nagaayos na sila ng gamit para sa departure. Nasisi pa ako kasi wala daw akong ginawa kung hindi matulog sa byahe.

Pagkaakyat ko, sinabi na sakin ni Ame na paalis na. Noong pumasok ako sa kwarto ni Isko. Paligo pa lang si Chris. Actually, nasabihan na kami ng mga ibang lalake sa department na wag munang mag-check out para matapos ang laban (taenang Cavs yan). Habang nanonood sila, tumatae ako.
TRAVEL: (MAY 24 (11:30AM to 1PM))

TAGAYTAY: (MAY 24 (1PM to 2:30))
Naaalala ko yung birthday ko noong nagpunta kami ni Cindy sa Tagaytay. Sa saktong lugar kami binaba ng bus. Seryoso, Tagaytay is the worse place to go when you don’t have your own transportation.
Nasabi ko na bang masakit sa bulsa ang pagsakay sa tricycle sa Tagaytay kung ikaw ay isang turista?
At least hindi kami nag-end up sa Teriyaki Boy. Kumain kami sa isang Pinoy resto na may gift shop sa loob. Si Isko ang nag-suggest sa RMS at kasama namin na pumunta doon sina Athan, Chris, Manuel, Vlad, Ida, Van, Reybert, Leah, at Hendz. Ang bogchi? Hindi siya masyadong pricy, pero hindi advisable kung nagtitipid ka. Talo ang Bicol Express nila pero pasok ang bulalo, laing, at pusit.
Bakit lahat ng bogchi pang-Bicol?
Ewan. Actually inabot ng halos 4k ang kinain namin pero salamat kay Hendz, menos gastos ang aming bogchi.
Ang pinakapatok sa mga nangyari doon ay noong pinuntahan kami ng roving band nila at kumanta sila ng Manila (pronounced as “Maynila” noong kumakantang Kabitenyo). Pagkatapos nito ay nagpa-picture kami sa guard tapos bumatse na kami.
Pagkatapos ng mga picture-taking umuwi na kami. Yung iba nagpahatid pa sa opis samantalang yung iba nagpababa pa. Either way, nagenjoy naman lahat ng tao eh.
Lalo na yung flick na pinapanood namin sa bus, daming nagenjoy don!
Kung sinong may gusto ng powerhug, nandito lang ako.
Next year daw, sa Laiya. Si Bajie yata yung nagsabi na doon kami kaso napadpad kami sa gilid ng Laiya kung saan ang kasama namin sa laot ay mga bading na naka-two piece. Ewww.
Game over.
Nasabi ko na bang masakit sa bulsa ang pagsakay sa tricycle sa Tagaytay kung ikaw ay isang turista?
At least hindi kami nag-end up sa Teriyaki Boy. Kumain kami sa isang Pinoy resto na may gift shop sa loob. Si Isko ang nag-suggest sa RMS at kasama namin na pumunta doon sina Athan, Chris, Manuel, Vlad, Ida, Van, Reybert, Leah, at Hendz. Ang bogchi? Hindi siya masyadong pricy, pero hindi advisable kung nagtitipid ka. Talo ang Bicol Express nila pero pasok ang bulalo, laing, at pusit.

Ewan. Actually inabot ng halos 4k ang kinain namin pero salamat kay Hendz, menos gastos ang aming bogchi.
Ang pinakapatok sa mga nangyari doon ay noong pinuntahan kami ng roving band nila at kumanta sila ng Manila (pronounced as “Maynila” noong kumakantang Kabitenyo). Pagkatapos nito ay nagpa-picture kami sa guard tapos bumatse na kami.

Lalo na yung flick na pinapanood namin sa bus, daming nagenjoy don!
Kung sinong may gusto ng powerhug, nandito lang ako.
Next year daw, sa Laiya. Si Bajie yata yung nagsabi na doon kami kaso napadpad kami sa gilid ng Laiya kung saan ang kasama namin sa laot ay mga bading na naka-two piece. Ewww.
Game over.
0 Comments:
Post a Comment