PUNK'D


THE SCANDAL: (MAY 24 (9:53AM or 1:53PM))

Pagkagising ko walang tao. Sarado ang aircon tapos nakasara ang mga kurtina. Sa salamin ng kwarto, may nakita akong message. Wala na ang bag ko. Tiningnan ko ang phone ko kasi ang usapan 11am ang departure ng bus namin.

Pucha… 1:57pm na sa cellphone ko.

Yung wallet ko nasa bag.
Shet.

Ang una kong ginawa ay hinanap ko ang mga gamit ko. Bukod sa mga gadgets ko, yung polo ko at dalawang shorts ko na basa ang nakita ko. Di man lang sila nag-ambon ng extra supot.
Shet.

Nagpa-panic na ako. Buti na lang ang boss ko at opismates ang una kong nakita. Pero dipa ako sold kasi nagdala sila ng kotse pagpunta sa Lago. E kaharap lang namin ang kwarto nila. Pagkabukas nila ng kwarto, nakita ko bag ko… kasama ng mga bag ng mga roommates ko. Hinablot ko ang bag ko tapos ni-lock ko ang room namin tapos naligo ako.

Ang nasa utak ko: PAYBACK’S A BITCH.

Pagkatapos ko, agad akong nagbihis. May kumatok sa kwarto. Si Leo. Tumatawa siya. Hindi ako galit pero tinanong ko kung nasaan yung lalagyan ko ng ATM card. Sabi ni Leo, bag lang daw ang kinuha nila. Actually sinara pa raw nila yung bag ko kasi bukas daw ‘to noong naabutan nila. Hinanap pa niya si Topher at Dudz na nagwe-wakeboarding sa mga sandaling yon.

Tinanong ako nina Armie at Joy kung anong nawawala sakin. Binunot ko sa bulsa ko ang lalagyan ng ATM card ko. Tumawag sakin si Leo at nag-explain sina Dudz at Topher na wala silang alam. Ewan ko kung may nakapagsabi agad na kalokohan ‘to pero hindi bumenta yung payback eh.

By the way, may coverage din ang kanilang masamang hangarin.


Step 1: I-secure ang subject. (ang swerte ng mga nilalang nato kasi puyat ako at nakainom)









Step 2: Kunin lahat ng pwedeng materials. (kung sino man bumili ng karton ng brief na ginamit nila bilang writing canvas... mabuhay ka.)








Step 3: Magpa-cute sa camera ng walang pakundangan. (EWWW.)









Step 4: Mag-wakeboard.









Ang MVP sa prank nato: YUNG KUNG SINO MAN UMAYOS NG ORAS NG CELLPHONE KO! Una, katabi ko yung phone ko. Pangalawa, doon ako nag-panic. AT pangatlo, kung natarget nila ang phone ko ng hindi ako nagigising… takte, mantika ako kung matulog.

Ang FAIL? KUNG SINO MAN NAGSULAT NG NOTE SA SALAMIN!

Well, ang moral ng istorya ay sisiguraduhin ko na ako ang mampa-prank.

Ang paghihiganti? Naisip ko na si Dudz ang pinaka-promotor sa lahat kasi siya lang ang kulot ang utak sa tatlong ito.

Hindi siya nakapasok the day after the trip kasi nabugbog siya sa pagwi-wakeboard. Pagdating niya sa opis, minasahe ko siya ng walang pakundangan.

Ang takot ko lang ay kung nagustuhan niya ito.

Eww.

Game over.

2 comments:

  1. "Ang takot ko lang ay kung nagustuhan niya ito."

    ang takot ni cindy siguro na magustuhan MO..
    oh, and "we WANT ahead" nice

    ReplyDelete
  2. bagnapping fail ang tawag dun.

    ReplyDelete