RANT! Why the 24/7 Taxis suck!


For the foreigners reading my blog, I’m sorry.

This is a rant about something here in the Philippines.

TAGALOG VOCABULARY ON MY BLOG ON!

Bating panimula: Puta talaga yang 24/7 taxi na yan! Siguro sila mismo HINDI SUMASAKAY sa mga taxi nila!


Galing ako sa bahay ni Cindy. July 24, 2010. Friday ito... mga ala-una na ng gabi non. Dapat kanina pa ako pauwi kaso tinapos ko pa ang Trip na Trip. Wala ng tricycle kaya tumawag kami ng taxi. Sabi ni Cindy, kontakin ko daw ay BASIC. Pero huling punta ko sa kanila, mabait yung driver ng 24/7. Makwento tapos hindi annoying at garapal kung maningil. Pasig-based din yung taxi kaya naisip ko hindi siya mawawala. Kaya ayon, kinopya ko yung numero sa pintuan nila… and months later, yun ang tinawagan kong taxi sa halip na Basic.

Dumating yung taxi ng 24/7... after thirty minutes. So okay lang yun... at least nandyan siya. Great. Kaso pagsakay ko, napansin ko 65 pesos na ang nasa metro. Okay lang yun iniisip ko kasi tatlong beses ng tumatawag yung operator kasi medyo nakakalito talaga yung lugar nila. We travelled to Shangri-La Edsa and while from 65 the fare ended at 122.50 (the taxi seemed batingting-free), siningil pa nya ako ng 70 pesos more kasi yun daw yung standard pag inarkila yung taxi via their operator.

Putang ina. Ano yun? Naghihintay ako ng punchline pero hindi ito dumating. Seryoso yung mukha niya. Nakangiti pero alam mong may iniisip ng kalokohan. Sure nakaka-bad trip ang plus 70 pesos pero malay mo kung mala-Charles Manson pala tong hayop nato! Sinabi ko sa kanya na “ito ba ang reward ko sa pagpili ng taxi nila”. Sabi niya oo. Pasensya… pero ito raw ang alintuntunin nila.

Putang inang alintuntunin yan.

See, I don’t know how a typical taxi fare really works that’s why it bothered me. Ang alam ko, ang taxi, naghahanap talaga ng sakay yan. Ito nga taxi na ‘to, pag walang sakay, naka-park lang sa mga kalye at parang eng-eng na nagmamakaawa sa mga pasahero na sakyan sila. Painom-inom ng kape… nakikinig ng Yes FM o Barangay LSI o Love Radio… tapos minsan pa tulog! Kung minsan sasakyan ka sa passenger seat, basa at amoy ewan. That’s probably because yun ang pwesto nila noong natutulog. I asked Cindy about this and Basic hands out an additional service charge of 50 pesos as well.

Ang bad trip kasi kung isang normal taxi ride ang ginawa ko, sa halip na two hundred pesos ang babayaran ko... magiging 100 pesos lang.

Complete with a ten-peso tip pa!

It’s not a question of money but merely stating the fact that I hate getting robbed. Okay naman akong pag-tip pag mabait ang driver. Minsan pag saktong 100 ang metro dadagdagan ko pa ito ng twenty pesos. Pero pucha, pag alam kong may mga kupal na silang mino-modus, alisto ako. Akala mo nakatingin ako sa labas ng bintana pero inaabangan ko na ang paggalaw ng metro. Kaya nga pag umiinom ako kasama ng barkada sa Philcoa nako nagpapababa kasi bukod sa mareklamo itong mga colorum nato, babatingtingin ka pa nila para masulit nila ang paghahatid nila sayo.

The two cabs I trust are Reno (since nasa likod lang ng Ever Commonwealth ang garahe nila) and MGE (dahil yun ang official na nakatambay sa harap ng GMA).

And speaking of Reno, wala silang “tawag fee” sa kanilang mga customers. Nalaman ko yun kasi dahil tinanong ko sila. Nalaman ko lalo yun kasi one-time na kailangan kong umalis ng bahay at umuulan, nagpasundo ako sa kanila at wala silang siningil na operator kagaguhan. Kaya nga hindi ko alam na may ganun palang rule eh.

See, yun naman dapat e! Kaya nga sumasakay sa taxi kasi more “special” ang trip ng tao kesa sa jeep, bus, o FX. People trust cabs because they want to feel safe. Pero takte, this is the reason why taxi drivers have bad reputations. Hindi ko na isisingit yung point na pinaalis yung 24/7 sa Shangri-La EDSA kasi nangongontrata sila!

The thing also about big named taxis is they are too sensitive with their reputation. They also have a device that can detect whether or not ang metro ng taxi is too fast or slow. If they found out that your taxi has batingting, they’ll kick you out on the spot. Hindi mo rin dapat pagkatiwalaan ang mga fellow drivers mo about your “batingting” secret. Blame crab mentality for this. You earn more money than them because you’re evil? They’ll rather eject your cheating ass!

Sa sobrang pikon ko sa kanila, mas kinampihan ko si random Tulfo guy (probably Erwin. Mon Tulfo Rules!!!) noong nag-expose siya tungkol sa mga batingting! Naniniwala ako na kind of hipokrito sila sa maraming bagay, pero for that fucking reason, I was laughing my ass off when he was humiliating that poor taxi driver!

MGA TANGINANG TAGA-24/7 YAN! Idadamay ko sana ang Basic pero hindi naman ako nakasakay sa kanila kaya MGA TANGINANG TAGA-24/7 YAN!

By the way, for those keeping tabs on the events, the plate number of the taxi is UVB453. You can call their number at 6423525 if you love pain and you want to try their absolutely fucked up services.

And speaking of crappy taxis? Naisip niyo na ba kung anong nangyari sa Wallis? Ito yung mga taxi from the early 2000’s kung saan laganap ang batingting tapos ginagamit ang mga taxi nila para sa krimen. Allegedly or not, nasira ang reputasyon nila dahil dito.

So what the fuck?

If you have ridden such cabs like Trocadero and Glowing Stone, well... then you rode a Wallis cab.

I HATE 24/7!!! (By the way, my apologies sa pictured taxi na nakuha ko sa net.)

Game over!

0 Comments:

Post a Comment